Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for global professionals · Sunday, July 21, 2024 · 729,357,498 Articles · 3+ Million Readers

Ban on POGOs needs safety nets for local workers --Gatchalian

PHILIPPINES, July 21 - Press Release
July 21, 2024

Ban on POGOs needs safety nets for local workers --Gatchalian

Senator Win Gatchalian said safety nets should be put in place for Filipino workers in the Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) industry who will be displaced if a total ban on all POGOs is legislated.

"We will ensure that legislating a total ban on POGOs will include a provision for safety nets for workers who would be adversely affected by the ban," said Gatchalian, chair of the Senate Committee on Ways and Means, which recently conducted a public hearing on the proposed ban on all POGOs.

In re-creating the Philippine economy without POGOs as source of income, the government needs to lay down transitory mechanisms, such as employment of affected Filipino nationals, emphasized Gatchalian, adding that the welfare of workers currently working for the industry should be looked after.

Based on data provided by the Department of Labor and Employment (DOLE), which was submitted by the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), a total of 25,064 Filipinos are employed by various POGOs operating in the country as of 2023. This accounts for 52.2% share of local workers in terms of POGO employment compared to 22,915 foreign workers working for the industry.

Safety nets for POGO workers would include upskilling, and reskilling programs to ensure that they can have replacement jobs as soon as possible, the senator said.

Expressing support for the proposed legislation to ban POGO operations in the country, DOLE Undersecretary Felipe Egargo said the department is prepared to implement as soon as necessary for programs intended to aid POGO workers.

According to Egargo, DOLE is prepared to undertake facilitation programs for reskilling and upskilling displaced POGO workers on top livelihood and emergency employment through the Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), DOLE's community-based emergency employment for displaced workers initially implemented by the department during the pandemic.

Gatchalian further asked DOLE to undertake a skills mapping of POGO workers to ascertain specific programs that could be implemented for such workers.

"Kailangan nating pangalagaan ang kapakanan ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa mga kumpanya ng POGO na maaapektuhan sakaling maisabatas ang panukala nating paalisin na nang tuluyan ang lahat ng POGO sa bansa," he ended.


Pagbabawal sa POGO nangangailangan ng mga safety net para sa mga manggagawa --Gatchalian

Sinabi ni Senador Win Gatchalian na dapat maglagay ng mga safety net para sa mga manggagawang Pilipino sa industriya ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na maaapektuhan sakaling ipagbawal na ang lahat ng POGO sa bansa.

"Sisiguraduhin namin na ang pagsasabatas ng pagbabawal sa mga POGO ay may kasamang probisyon para sa mga safety net upang hindi maapektuhan ang mga kasalukuyang nagtatrabaho sa industriya," sabi ni Gatchalian, chairperson ng Senate Committee on Ways and Means na kamakailan lang ay nagsagawa ng pagdinig hinggil sa panukalang pagbabawal sa lahat ng mga POGO.

Ayon sa senador, kailangan ng gobyerno na maglatag ng tinatawag na transitory mechanisms kapag tuluyan nang mawala ang mga POGO sa bansa, tulad ng trabaho sa mga apektadong Pilipino. Sinabi pa ni Gatchalian na ang kapakanan ng mga manggagawang kasalukuyang nagtatrabaho sa industriya ay dapat isaalang-alang.

Batay sa datos na ipinakita ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nanggaling sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), may 25,064 na Pilipino ang nagtatrabaho sa iba't ibang POGO na tumatakbo sa bansa noong 2023. Ito ay 52.2% ng mga manggagawang pinoy kumpara sa 22,915 ng mga dayuhang manggagawa na nagtatrabaho sa industriya.

Kabilang sa mga safety net para sa mga manggagawa ng POGO ang upskilling at reskilling programs upang matiyak na magkakaroon ng mga kapalit na trabaho ang mga maaapektuhang manggagawa sa lalong madaling panahon.

Kasunod ng ipinahayag na suporta sa iminumungkahing batas na ipagbawal ang operasyon ng POGO sa bansa, sinabi ni DOLE Undersecretary Felipe Egargo na handa ang departamento na ipatupad sa lalong madaling panahon ang mga programang tutulong sa mga manggagawa ng POGO.

Ayon kay Egargo, nakahanda ang DOLE na magsagawa ng mga programa para sa reskilling at upskilling ng mga mawawalan ng trabaho sa mga POGO bukod sa livelihood at emergency na trabaho sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), ang community-based emergency employment ng DOLE para sa mga manggagawang nawawalan ng trabaho. Ang programa ay una nang ipinatupad ng DOLE noong panahon ng pandemya.

Hiniling pa ni Gatchalian sa DOLE na magsagawa ng skills mapping ng POGO workers upang matiyak ang mga partikular na programa na maaaring ipatupad para sa naturang mga manggagawa.

"Kailangan nating pangalagaan ang kapakanan ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa mga kumpanya ng POGO na maaapektuhan sakaling alisin na ang lahat ng POGO sa bansa," pagtatapos niya.

Powered by EIN Presswire
Distribution channels:


EIN Presswire does not exercise editorial control over third-party content provided, uploaded, published, or distributed by users of EIN Presswire. We are a distributor, not a publisher, of 3rd party content. Such content may contain the views, opinions, statements, offers, and other material of the respective users, suppliers, participants, or authors.

Submit your press release